HOME  ABOUT THE BANK  MONETARY POLICY  BANKING SUPERVISION  PAYMENTS & SETTLEMENTS  STATISTICS  FEEDBACK CORNER
   BSP NOTES & COINS  MONETARY OPERATIONS  LOANS-CREDIT & ASSET MGT  PUBLICATIONS & RESEARCH  REGULATIONS  PROCUREMENT

Feedback Corner

Publications and Research

Media Releases

BABALA: Huwag pabiktima sa text scam!

01.25.2008

Ang publiko ay muling pinag-iingat laban sa text scammers na patuloy ang panloloko sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga OFWs.

PAANO GINAGAWA  ANG PANLOLOKO

Ang mga text scammers ay nagpapadala ng mga mapanlinlang na mensahe. Kunwari ay nanalo ng malaking halaga ang cellular phone number ng kanilang nais biktimahin sa isang diumano raffle ng Bangko Sentral ng Pilipinas o iba pang institusyon. Inuulit po namin! Walang pa-raffle ang Bangko Sentral na matagal nang nagbibigay babala sa ating mga kababayan laban sa text scam syndicates.

Ang mga manlilinlang ay gumagamit ng pekeng pangalan o nagpapakilalang mga opisyal diumano ng pamahalaan.

Hihingan nila ang biktima, bilang kondisyon upang makuha ang premyo, ng perang pambayad sa buwis at pre-paid load na ipapakarga diretso sa cellular phone numbers ng mga manlilinlang. Kapag nakuha na ng scammers ang pera at pre-paid load, hindi na sila muling makikipag-usap sa biktima.

ANO ANG GAGAWIN

Ipagbigay-alam kaagad ang anumang insidente ng nasabing scam sa:

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL SECRETARIAT
5/F, EDPC Building, Bangko Sentral ng Pilipinas Complex, Manila
Tel: 302-3982 and 524-7011 local 2372

o

CORPORATE AFFAIRS OFFICE  ng BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS
 BSP Complex, Mabini St. Manila
Tel: 523-4832 and 524-7011 local 2259

RSS Subscribe for updates

Archives