About the Bank Monetary Policy Banking Supervision Statistics Financial Markets
BSP Notes and Coins Loans-Credit and Asset Management Publications and Research Regulations Procurement
Regular Publications
Special Publications
Primers
Media Releases
Speeches
Publications for Subscription

Media Releases

Babala: Pag-ingatan ang Inyong "Automated Teller Machine (ATM) PIN Numbers" at Iwasan ang "ATM Switching"

11.04.2009

Binibigyang babala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa “ATM switching” na isinasagawa sa pamamagitan ng sumusunod na modus operandi:

 Kapag natapos na ang transaksyon sa ATM ng lehitimong may-ari ng “ATM card”, siya ay lalapitan ng suspek at sasabihan na may naipit pang pera na kalimitan ay limang daang piso (P500.00), sa “ATM machine”. Kasunod nito ay sasabihan ng suspek na muling mag-“balance inquiry” ang biktima upang magkaroon ng pagkakataon ang suspek na makita ang Personal Identification Number (PIN)  na pipindutin ng biktima. Maglalaglag din ng pera ang suspek at sasabihin na galing ito sa “ATM machine”, upang palabasin na kasama ito sa “withdrawal” ng biktima. Habang abala ang biktima sa pagpulot ng pera ay tatanggalin ng suspek ang “ATM card” ng biktima mula sa “ATM machine” at papalitan ito ng ibang “ATM card”.

Ang PIN ay maaari ring manakaw sa pamamagitan ng “shoulder surfing” na nangyayari kapag may tumabi malapit sa “ATM card holder” upang makita ang pagpindot nito ng kanyang PIN.

Sundin ang mga sumusunod na gabay upang mapag-ingatan ang PIN mula sa pagkakanakaw sa pamamagitan ng “ATM switching”, “shoulder surfing” o iba pang paraan:

• Palaging takpan ang “keypad” kapag gumagamit ng ATM. Huwag matakot na sabihan ang taong katabi mo na umatras kung masyado siyang malapit sa iyo. Hayaan mo na lang na mauna ang taong ito kung nag-aalala ka.

• Palaging siyasatin ang ginagamit na “ATM machine”. Ang ibang kagamitan sa panloloko tulad ng “fraudulent card reader devices” ay madaling matagpuan. Lumipat sa ibang “ATM machine” kung may pagdududa.

• Huwag ipaalam ang inyong PIN sa ibang tao, kahit sa kamag-anak, kaibigan at lalo na sa hindi kakilala.

• Pumili ng PIN na madaling tandaan subalit hindi ayon sa kaarawan, anibersaryo, tirahan o numero sa telepono.

• Regular na palitan ang inyong PIN.

• Huwag gamitin ang parehong PIN sa lahat ng iyong cards. Kahit na magiging madali ito upang matandaan ang inyong PIN, magiging madali rin ito para sa magnanakaw na mabuksan ang inyong mga “accounts” kapag ninakaw ang inyong pitaka.

• Tandaan ang inyong PIN, huwag itong isulat o itago sa inyong wallet.

• Ipagbigay alam kaagad kapag naipit ang “ATM card” sa “ATM machine”. Hangga’t maaari, huwag umalis sa “ATM machine” na hindi ipinagbibigay alam kaagad ang pagkakaipit ng “ATM cards”. Tumawag kaagad sa bangko kung saan naipit ang “ATM card”, gamit ang “cell phone” o telepono na nakalagay  sa “ATM booth”.

Para sa karagdagang paglilinaw, makipag-ugnayan sa:


FINANCIAL CONSUMER AFFAIRS GROUP
 Supervision and Examination Sector
BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS
5th Floor, Multi-Storey Building, BSP Complex
A. Mabini St., Malate, Manila (1004)
E-mail address: consumeraffairs@bsp.gov.ph
Tel. Nos.: Direct Line: (+632)523-3631• Trunkline (+632)524-7011 local 2584

Archives

Terms of Use Sitemap Contact Us Search Intranet Links Links