HOME  ABOUT THE BANK  MONETARY POLICY  BANKING SUPERVISION  PAYMENTS & SETTLEMENTS  STATISTICS  FEEDBACK CORNER
   BSP NOTES & COINS  MONETARY OPERATIONS  LOANS-CREDIT & ASSET MGT  PUBLICATIONS & RESEARCH  REGULATIONS  PROCUREMENT

Feedback Corner

Publications and Research

Media Releases

Pahayag Ukol sa 5-Pisong NGC na Barya

12.29.2017

Nakarating sa kaalaman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga obserbasyon ukol sa 5-pisong New Generation Currency (NGC) na barya na inilabas sa publiko nitong buwan ng Disyembre. Pangunahin na rito ang diumano ay pagkakatulad ng 5-piso NGC na barya at ng kasalukuyang nasa sirkulasyon na 1-piso na  barya.

Nais ng BSP ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga nabanggit na barya upang maiwasan ang posibleng pagkalito ng publiko:

Ang 5-piso NGC na barya ay mas mabigat (7.4 gms), mas makapal (25 mm diameter), at mas malaki kaysa sa 1-piso na barya. Makinis ang gilid ng 5-piso NGC na barya samantalang ang gilid ng 1-pisong barya ay hindi. At, bilang panghuli, ang disenyo ng dalawang barya ay sadyang magkaiba. Tampok sa 5-piso NGC na barya ang ating bayani na si Gat. Andres Bonifacio kasama ang mga nakaukit na “ANDRES BONIFACIO” at “5 PISO” at ang Tayabak, isang halaman na sa ating bansa lamang matatagpuan. Ang mga pagkakaibang ito ay madaling malalaman sa pamamagitan ng pagtingin at pag-kapa sa mga nasabing barya (look, feel, and tilt).

Nagpalabas ang BSP ng 5-piso NGC na barya noong 29 Nobyembre 2017 bilang paggunita sa ika-120 na anibersaryo ng pagkamatay ni Gat. Andres Bonifacio at ang kanyang ika-154 na kaarawan noong Nobyembre 30. Kinailangan din ang paunang pagpapalabas ng nasabing barya upang maibsan ang kakulangan nito bunsod ng kapaskuhan o Christmas season.

Nagpalabas ng anunsyo ang BSP ukol sa paunang pagpapalabas ng 5-piso NGC na barya sa website nito noong 29 Nobyembre 2017 na siya naman inilathala at ipinalabas ng mga media outlet.

Ang 5-piso NGC na barya ay naunang inilabas sa NGC na serye ng barya (i.e. 5-sentimo, 25-sentimo, 1-piso, 10-piso). Maglulunsad ang BSP ng kampanya upang magpabatid ng impormasyon ukol sa NGC na serye ng barya sa buong bansa.

Ang paglabas ng NGC na barya kasama na ang disenyo at ang mga katangian nito ay nabuo matapos ang masinop at malalim na pag-aaral ng dalawang expertong komite ng BSP: ang Numismatic Committee, at ang Currency Management Committee.

Nilalayon ng pagbabago ng disenyo at katangian ng barya: (1) ang mapaigting ang seguridad ng mga barya laban sa mga gumagawa ng pekeng pera; (2) na baguhin ang metallic content ng barya upang masugpo ang pagtunaw at pagkuha ng mga mahahalagang bahaging metal nito; at, (3) mapababa ang gugol sa paggawa ng barya.

Hinihiling ng BSP ang kooperasyon ng publiko ukol sa mga mahahalaga at kinakailangan na pagbabagong ito.  Inaasahan na sa lubusang pag-gamit ng mga barya na ito sa pangangalakal at pamumuhay ay mas makikilala ang mga desenyo at spesipikasyon ng mga ito.

RSS Subscribe for updates

Archives