HOME  ABOUT THE BANK  MONETARY POLICY  BANKING SUPERVISION  PAYMENTS & SETTLEMENTS  STATISTICS  FEEDBACK CORNER
   BSP NOTES & COINS  MONETARY OPERATIONS  LOANS-CREDIT & ASSET MGT  PUBLICATIONS & RESEARCH  REGULATIONS  PROCUREMENT

Feedback Corner

Publications and Research

Media Releases

Pahayag ng BSP Ukol sa Pagpalit ng NDS (Demonetized) na Salaping Papel - 29 December 2017 ang Deadline

12.29.2017

Paalala sa publiko. Ngayon, Biyernes, 29 Disyembre 2017, ang huling araw ng pagpapapalit ng New Design Series (NDS) Banknotes (old banknotes) sa New Generation Currency (NGC) Banknotes.
Ito na ang pinal na petsa ng pagpapapalit at hindi na ito mabibigyan ng karagdagang palugit (non-extendable deadline) ayon sa batas.

Matatandaan na tatlong (3) beses na itong na-extend ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).  Bilang pagbigay sa hiling ng publiko. 

Nauna ng ipinahayag ng BSP ang ukol sa demonetization ng NDS na salapi at ang mga petsang dapat tandaan ng publiko sa diaryo, radyo, telebisyon, at maging sa social media. Ang mga impormasyon na ito ay nakalagay din sa website ng BSP, pinahayag sa mga sinehan, at inilathala sa mga poster at brochure na ipinamahagi at ipinaskil sa mga publikong lugar.  Ang mga impormasyon na ito ay ipinabatid din sa pamamagitan ng mga public information campaign ng BSP sa buong bansa at ng mga text blast sa nakaraang tatlong (3) taon. 

Bukod sa petsa ng deadline, nais din naming paalalahanan ang publiko na magpapalit ng maaga sapagkat ang proseso ng pagpapalit ay nangangailangan ng masinop at maingat na pagsisiyasat upang maseguro na ang salapi ay tunay at hindi peke.  Bukas ang aming tanggapan mula 9:00am hanggang 2:00pm. Maraming salamat po.

RSS Subscribe for updates

Archives