HOME  ABOUT THE BANK  MONETARY POLICY  BANKING SUPERVISION  PAYMENTS & SETTLEMENTS  STATISTICS  FEEDBACK CORNER
   BSP NOTES & COINS  MONETARY OPERATIONS  LOANS-CREDIT & ASSET MGT  PUBLICATIONS & RESEARCH  REGULATIONS  PROCUREMENT

Feedback Corner

Publications and Research

Media Releases

Pagpapalabas ng New Generation Currency Coin Series

03.26.2018

NGC Coins

Nagpahayag ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsisimula na ang pagpapalabas sa sirkulasyon ng buong serye ng New Generation Currency (NGC) coins na binubuo ng 10-Piso, 5-Piso, 1-Piso, 25-Sentimo, 5-Sentimo, at 1-Sentimo.

Ang bagong disenyo at mga detalye ng NGC Coins ay magbibigay ng mas magandang anyo at mas mahusay na seguridad ng mga barya. Partikular na rito ang paglalagay ng micro-printed details gamit ang laser-engraving technology sa dalawang pinakamataas na denominasyon (ang 10-Piso at 5-Piso) upang hindi ito madaling magaya gamit ang tradisyunal na proseso ng pag-counterfeit.  Ang metallic composition ng NGC coins ay binago upang masugpo ang iligal na pagtunaw at pagkuha ng mga mahahalagang metal nito.

Ang NGC coins, na may kulay na “metallic silver”, ay gawa sa matibay na nickel-plated steel. Ang pagpapalit ng materyal ay sagot sa mabilisang pagkalawang at pangingitim na kalimitang nakikita sa copper-based metals.

Tampok sa NGC Coin Series ang bagong BSP logo; mga magigiting na bayani (si Apolinario Mabini sa 10-Piso, si Andres Bonifacio sa 5-Piso, at si Jose Rizal sa 1-Piso); ang stylized na watawat ng Pilipinas na makikita sa 25-Sentimo, 5-Sentimo at 1-Sentimo; at mga endemic flora o mga halamang likas na matatagpuan sa ating bansa. Ito ay alinsunod sa disenyo ng NGC Banknote Series na nagtatampok sa mga Philippine fauna.

 Ang pagkakaiba ng NGC coins at BSP Coin Series na kasulukuyang nasa sirkulasyon ay higit na makikilala sa masusing pagtingin at pagkilatis sa mga detalye nito.

Ang BSP Coin Series ay maaari pa ring gamitin kasabay ng NGC Coin Series sa pang-araw-araw na transaksyon, hanggang sa ipahayag ng BSP ang “demonetization” o pagsasawalang bisa ng lumang barya.

 

Download Frequently Asked Questions

RSS Subscribe for updates

Archives