HOME  ABOUT THE BANK  MONETARY POLICY  BANKING SUPERVISION  PAYMENTS & SETTLEMENTS  STATISTICS  FEEDBACK CORNER
   BSP NOTES & COINS  MONETARY OPERATIONS  LOANS-CREDIT & ASSET MGT  PUBLICATIONS & RESEARCH  REGULATIONS  PROCUREMENT

Feedback Corner

Publications and Research

Media Releases

TINGNAN ANG INYONG SALAPI: Paunawa Tungkol sa Pagkilala ng Pagkakaiba ng Tunay at Huwad na Salapi

01.08.2019

Pinapayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na suriing mabuti ang kanilang mga salaping papel at hanapin ang mga security features nito upang matiyak na ang mga ito ay tunay.

Noong 13 Pebrero 2018, naaresto ng pulisya ng Lungsod ng Navotas ang dalawang sumubok na magbayad ng kanilang pinamiling isda sa San Roque Public Market gamit ang isang pirasong pekeng 1,000-Piso. Nagduda ang tindera sa salaping ipinambabayad kaya’t tinawag niya ang pansin ng mga opisyal ng barangay at ng pulisya ng Lungsod ng Navotas. Nang masiyasat ang mga personal na gamit ng mga suspek, kanilang natuklasan, sinamsam, at isinumite sa BSP ang mga pekeng salaping nagkakahalaga ng PHP 58,000.

Ang dalawang nahuli ay naakusahan at nahatulan ng Regional Trial Court ng Lungsod ng Navotas noong 8 Mayo 2018 sa salang paggawa ng huwad na salapi at sadyang paggamit nito bilang pambayad sa mga pinamili. Ito ay isang criminal act o gawaing labag sa batas sa ilalim ng Article 167 ng Revised Penal Code. Nahatulan sila ng pagkakakulong ng dalawang (2) taon, apat (4) na buwan at isang (1) araw bilang minimum penalty, hanggang anim (6) na taon bilang maximum penalty.

Sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensiya na nagpapatupad ng batas, may 133 mamemeke na ang naaresto at nasampahan ng BSP ng kasong kriminal simula noong 2010. Dahil dito, nakakumpiska na ng iba't ibang uri ng pekeng salapi tulad ng Iraqi Dinar, Japanese Yen, Malaysian Ringgit, US Dollar, at pati na mga kagamitan sa pamemeke.

Ang New Generation Currency banknote series na kasalukuyang nasa sirkulasyon ay nagtatampok ng mga security features gamit ang makabagong teknolohiya. Ang mga katangiang ito ay madaling makilala at mahirap gayahin. Pinapayuhan ng BSP ang publiko na gamitin ang paraang FEEL, LOOK, TILT sa pagsusuri ng mga security features na ito, tulad ng nakalarawan sa ibaba:

Hinihikayat ng BSP na iparating ang anumang impormasyon ukol sa pamemeke ng salapi sa pinakamalapit na istasyon ng pulis o ahensiyang nagpapatupad ng batas para sa naaangkop na aksyon, o makipag-ugnayan sa Currency Management Sector ng BSP sa telepono bilang (02) 988-4833 at (02) 926-5092.

RSS Subscribe for updates

Archives