Inaasahang magpapabagal ng pagtaas ng pamasahe, sahod, presyo ng pagkain, at iba pa, (bunsod ng second-round effects)
ang napapanahong desisyong ng BSP na itaas ang key policy interest rate. Gayundin, ang desisyong ito ay maaaring makapag-manage
ng inflation expectations sa bansa. Samantala, patuloy na susuportahan ng BSP ang iba pang programa ng pamahalaan, tulad ng pagkakaroon
ng sapat na supply ng pagkain sa bansa, upang maibsan ang pagtaas ng presyo ng bilihin dulot ng mga supply-side factors.
Ang matatag na ekonomiya at gumagandang kalagayan ng trabaho sa bansa ay ilan sa mga konsiderasyon ng BSP sa pagbawi ng mga ipinatutupad
na polisiyang may kaugnayan sa pandemic, tulad ng mas mababang provisional advances sa National
Government na nabayaran ng mas maaga kaysa sa maturity nito noong 20 May 2022.
Ang sapat na dami ng salapi, unti-unting pagbuti ng credit activity, at matatag na financial market sa bansa ay naging basehan
ng BSP upang ibalik ang government securities (GS) purchasing window sa pagiging regular liquidity facility sa ilalim ng
interest rate corridor framework mula sa pagiging isang crisis intervention measure.
Sa hinaharap, ang bilis at tiyempo ng mga karagdagang monetary policy actions ay gagabayan ng mga datos,
alinsunod sa mga layunin ng BSP na magkaroon ng price stability at financial stability.