Ayon sa pinakahuling pagtataya ng BSP, ang average inflation ay maaaring umabot sa 5.5 percent ngayong taon. Ito ay mas mababa sa naunang forecast na 6.0 percent.
Samantala, inaasahang bababa sa 2.8 percent ang average inflation sa 2024, pasok sa target na 2.0 to 4.0 percent. Dulot ito ng pagbaba ng pandaigdigang presyo ng langis at iba pang produktong inaangkat, kasama na rin ang tinatawag na “base effects” (ang mataas na presyo sa kasalukuyang taon ay kadalasan ngunit di palaging magdudulot ng mababang inflation rate sa kasunod na taon).