​Monetary Policy Report - February 2023
Report Highlights
​​




Sa kabuuan

​​​

​​
key policy rate

ltinaas ng BSP ang key policy rate tungo sa 6.0 mula 5.5 percent. Naniniwala ang BSP na ang pagtaas ng policy rate ay makakatulong upang hindi lumagpas ang inflation sa 2.0-4.0 percent target sa 2024.

Ang key policy rate—na nakakaimpluwensya sa interes na pinapataw ng mga bangko sa pautang—ay ang pangunahing instrumento ng BSP upang mapanatiling stable ang inflation.

​​
inflation target

Ayon sa pinakahuling estimate ng BSP, inaasahang aabot ng 6.1 percent ang average inflation rate sa 2023. Mas mataas ito kaysa sa target range ng gobyerno na 2.0 to 4.0 percent.

Sa 2024, inaasahan ng BSP na bababa ang average inflation rate sa 3.1 percent na pasok sa target range.

risks

Ayon sa latest assessment ng BSP, mas malaki ang posibilidad na ang inflation ay lalampas sa forecasts ng BSP.

Mas matimbang ang mga bagay na maaring magpataas lalo ng inflation para sa taong 2023 at 2024.

Kabilang dito ang presyo ng mga pagkain sa pandaigdigang merkado, kakulangan sa supply ng ilang pagkain, karagdagang pagtaas ng pamasahe dala ng di-inaasahang pagtaas sa presyo ng langis, at mas mabilis na pagtaas ng pasahod ngayong taon kaysa sa unang tantya.

Samantala, ang matamlay na paglago ng pandaigdigang ekonomiya ay maaaring magpababa sa inflation kaysa sa forecasts ng BSP.

​​
target

Ayon sa resulta ng survey ng mga pribadong ekonomista na isinagawa ng BSP noong Pebrero 2023, inaasahan na ang inflation rate ay aabot sa 6.0 percent ngayong 2023, 4.0 percent sa 2024 at 4.1 percent sa 2025.

Ayon sa mga ekonomista, naging basehan ng kanilang forecast ang mataas na inflation noong Enero, mataas na demand para sa mga produkto at serbisyo, at kakulangan sa supply ng ilang bilihin.

​​
economy

Nakabangon na ang ekonomiya mula sa COVID-19 crisis. Ang paglakas ng ekonomiya ay maaari ding nakaambag sa lalong pagbilis ng inflation.

Inaasahang aabot sa growth target ng gobyerno na 6.0-7.0 percent ang paglago ng ekonomiya ngayong 2023. Sa 2024, inaasahang lalago pa rin ang ekonomiya ngunit sa mas mabagal na antas.

bsp policy actions


Layunin ng BSP na maibalik sa target range ang inflation, ayon sa mandato nitong makamit ang price stability.

Hinihikayat ng BSP ang whole-of-government approach upang matugunan ang kakulangan sa supply at mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pagkain at iba pang pangunahing bilihin.




Itinaas ng BSP ang key policy interest rate sa 6.0 percent.


Nagdesisyon ang Monetary Board ng BSP na itaas ang key policy interest rate sa 6.0 percent simula 17 Pebrero 2023. Ang bagong policy rate ay mas mataas ng 50 basis points (o kalahating porsyento) kaysa sa nakaraang 5.5 percent.

Inaasahang tataas din ang interes ng mga bangko na makakabawas sa pangungutang ng mga indibidwal at negosyo. Dahil dito, maaaring ipagpaliban muna ng mga tao ang pagbili ng mga bagay na siyang magpapababa sa demand.

Sa pagbagal ng demand sa mga produkto at serbisyo, maaasahan ng mga tao na babagal din ang inflation sa hinaharap. Dahil dito, hindi na kailangang manghingi ng karagdagang sahod ang mga tao o kaya’y magpataas ng presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya.


key policy rate



Inaasahan ang patuloy na pagtaas ng inflation sa 2023 at 2024.

Sa pinakahuling estimate ng BSP, mananatiling mataas ang inflation rate sa mga susunod na buwan at aabot ito sa average na 6.1 percent para sa buong taon ng 2023. Mas mataas ito kaysa sa nakaraang forecast na 4.5 percent na inanunsyo noong Disyembre 2022.

Para sa taong 2024, inaasahan ng BSP na ang inflation rate ay bababa sa 3.1 percent. Bagama’t mas mataas ito kaysa sa nakaraang forecast na 2.8 percent, pasok ito sa target range ng gobyerno.

Ang mas mataas na inflation forecasts ay dulot ng actual inflation na naging mas mataas sa inaasahan; pagtaas ng presyo ng mga pagkain, kagamitan, at pamasahe; pati na ang pagtaas sa singil ng renta at restaurants. Ang inaasahang mabilis na paglago ng ekonomiya sa 2023 ay nagpataas din sa inflation forecast.

Samantala, inaasahang bababa ang inflation sa target range bandang Enero 2024 dahil sa epekto ng mababang pandaigdigang presyo ng langis at iba pang bilihin, kasama na rin ng “base effects” (Ang mataas na inflation rate ay karaniwan, ngunit 'di palagi, sinusundan ng mas mababang inflation rate makalipas ang isang taon).

​​
​​ inflation target


​​
Mga bagay na maaaring magpataas ng inflation sa 2023 at 2024 kaysa sa BSP forecasts.


May mga bagay na maaaring magpataas ng inflation kaysa sa forecasts ng BSP para sa taong 2023 at 2024. Kabilang dito ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pandaigdigang merkado, pagtaas ng presyo at posibleng limitadong supply ng ilang pagkain sa lokal na merkado, at pagtaas ng pamasahe dahil sa di-inaasahang pagtaas ng presyo ng langis.

Sa kabilang banda, ang matamlay na paglago ng pandaigdigang eknonomiya ay maaaring magpabagal sa inflation rate kumpara sa forecasts.
risks




Lalong tumaas ang ‘inflation expectations’ ng mga ekonomista mula sa pribadong sector.

Ayon sa survey na isinagawa ng BSP noong Pebrero 2023, inaasahan ng mga ekonomista mula sa pribadong sektor na ang inflation rate ay aabot sa 6.0 percent ngayong taon. Ito ay mas mataas kaysa sa 4.9 percent na naitala sa survey noong Enero ng taong ito.

Para sa 2024, inaasahan nila na ang inflation rate ay aabot sa 4.0 percent, mas mataas kaysa sa 3.7 percent na naitala noong nakaraang buwan.

Para sa 2025, inaasahan nilang aabot ang inflation rate sa 4.1 percent, mas mataas kaysa sa 3.6 percent na forecast nila noong Enero.

Inaasahan ng mga pribadong ekonomista na mananatiling mataas kaysa sa target range ang inflation rate ngayong taon dahil sa mga sumusunod: mataas na inflation noong Enero; mataas na demand para sa mga produkto at serbisyo; at kakulangan sa supply ng ilang mga bilihin.

​​ target



Bumibilis ang domestic economic activity.

Lumago ang ekonomiya ng 7.6 percent noong 2022, higit pa sa 6.5 hanggang 7.5 percent na target ng gobyerno.

Sa demand side, ang household consumption at investments ang siyang nagpataas ng antas ng ekonomiya.

Sa production side, ang paglago ng services sector na kinabibilangan ng wholesale at retail trade, repair ng mga sasakyan at motorsiklo, at mga financial at insurance activities, ang nagpalago sa ekonomiya.

Ayon sa sariling growth estimates ng BSP, inaasahan ang patuloy na pagbubukas ng mas marami pang industriya tulad ng turismo at edukasyon na magdudulot ng mas maraming trabaho at aktibidad tungo sa mas maunlad na ekonomiya.

economy



Umaaksyon ang BSP upang maibalik ang inflation rate sa susunod na taon sa 2.0 to 4.0 percent na target range ng gobyerno.

Inaasahang mananatiling mataas ang inflation sa mga susunod na buwan sanhi ng patuloy na kakulangan sa mga pangunahing supply at malakas na demand para sa mga produkto at serbisyo. Ang karagdagang pagtaas ng policy rate ay ginawa ng BSP upang hindi tuluyang lumampas ang inflation sa target nito sa 2024 at upang pigilan ang tuluyang paglayo ng inflation expectations mula sa 2.0-4.0 percent target.

Pangunahing layunin ng BSP ang maibalik ang inflation sa target. Handa ang BSP na gawin ang nararapat na mga hakbang upang makamit ito. Ang mga susunod na desisyon ng BSP sa maaaring pagtaas ng policy rate ay nakasalalay sa mga darating na bagong impormasyon at kung paano nito maaaring mabago ang projections ng BSP ukol sa inflation at GDP growth.

Sinusuportahan ng BSP ang agresibo at napapanahong aksyon ng gobyerno para matugunan ang kakulangan sa supply ng pagkain sa bansa. Ilan sa mga aksyon na ito ay ang pag angkat at pagpapalakas ng produksyon ng pagkain sa bansa.

​​
​​ bsp policy actions








Itinaas ng BSP ang key policy interest rate sa 6.0 percent...

​​​​ this means

Ibig sabihin. . .
Inaasahan na magtataas din ng interes ang mga bangko sa mga pautang nito na siya namang magpapahina sa paghihiram ng mga indibidwal at negosyo. Subalit, kung hindi naman itataas ng BSP ang interest rate, mas lalong tataas ang inflation sa mas mahabang panahon na makakasama lalo sa lahat.


Video: Media Briefing