​ ​Monetary Policy Report - August 2023
Report Highlights
​​




​Sa kabuuan

​​​

​​

Nagpasya ang BSP na panatilihin ang key policy interest rate sa 6.25 percent sa kabila ng patuloy na pagbaba ng inflation. Ito ay nagbibigay sa BSP ng panahon upang suriin ang mga panibagong banta sa inflation.

​​

Ayon sa pinakahuling pagtataya ng BSP, ang 2023 average inflation ay maaaring umabot sa 5.6 percent. Ito ay bahagyang mas mataas sa nakaraang estimate na 5.5 percent, ngunit mas mababa kaysa sa 5.8 percent na average noong nagdaang taon

Inaasahang aabot ang average inflation sa 3.3 percent sa 2024. Mas mataas ito sa naunang forecast na 2.8 percent. Sa 2025, tinatayang aabot sa 3.4 percent ang average inflation.

Kabilang sa mga maaaring magdulot ng paglagpas ng inflation sa forecasts para sa taong 2023 hanggang 2025 ay ang karagdagang pagtaas ng pamasahe at pasahod, patuloy na kakulangan sa supply ng pagkain, at posibleng epekto ng El Niño sa mga presyo ng pagkain at kuryente.

Samantala, ang mas mabagal na paglago ng pandaigdigang ekonomiya ay maaaring magdulot ng mas mababang inflation sa bansa.

​​

Ayon sa Survey of External Forecasters ng BSP ngayong Agosto, inaasahan nilang aabot ang inflation sa 5.5 percent ngayong taon. Hindi ito nagbago sa resulta ng nakaraang survey. Inaasahan din nila na ang inflation ay aabot ng 3.5 percent sa 2024, at 3.4 percent sa 2025. Pareho itong mas mababa sa nakaraang survey.

​​

Ang pagbagal ng paglago ng ating ekonomiya sa Q2 2023 ay dahil sa paghina ng ilang sektor.


Handa ang BSP na umaksyon para pangalagaan ang inflation target.




Nagpasyang panatilihin ng BSP ang key policy interest rate sa 6.25 percent.


Sa monetary policy meeting noong ika-17 ng Agosto 2023, nagpasya ang Monetary Board ng BSP na panatilihin ang key policy interest rate sa 6.25 percent.

Ang patuloy na pagbaba ng inflation ay nagbibigay sa BSP ng panahong suriin ang mga panibagong banta sa inflation.
KPR




Ayon sa mga pinakahuling pagtataya ng BSP, hihina ang inflation—o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin—at papasok ito sa target range sa pagtatapos ng 2023.

Ayon sa pinakahuling pagtataya ng BSP, ang average inflation ay maaaring umabot sa 5.6 percent ngayong taon. Ito ay bahagyang mas mataas sa naunang forecast na 5.5 percent ngunit mas mababa sa 5.8 percent noong nagdaang taon.

Ang average inflation forecast para sa 2024 ay itinaas sa 3.3 percent (mula sa 2.8 percent na inanunsyo noong Mayo). Gayunpaman, pasok pa rin ito sa target range na 2.0 to 4.0 percent.

Sa 2025, inaasahang aabot ang average inflation sa 3.4 percent na pasok din sa target range.

​​
​​ inflation outlook


​​
Gayunpaman, mayroon pa ring mga banta na maaaring magdulot ng mas mataas na inflation ngayong taon hanggang sa 2025 kaysa sa forecasts


Ang karagdagang pagtaas ng pamasahe at pasahod, patuloy na kakulangan sa supply ng pagkain, epekto ng El Niño sa presyo ng pagkain at pagtaas ng presyo ng kuryente ay maaaring maging sanhi ng paglapas ng inflation sa forecast para sa taong 2023 hanggang 2025.

Sa kabilang banda, kapag patuloy na humina ang paglago ng pandaigdigang ekonomiya ayon sa inaasahan, maaari itong magdulot ng mas mababang inflation kaysa sa mga forecast.
risks

Naniniwala ang mga ekonomista mula sa pribadong sector na papasok sa target range ang inflation sa 2024 at 2025.

Ayon sa resulta ng BSP Survey of External Forecasters ngayong Agosto, inaasahang aabot ang inflation sa 5.5 percent ngayong taon. Inaasahan nilang patuloy na bababa ang inflation sa nalalapit na hinaharap dahil sa negative base effects.

Ang inflation forecast ng mga ekonomista mula sa pribadong sektor ay nananatiling pasok sa target range—3.5 percent para sa 2024 at 3.4 percent para sa 2025, parehong mas mababa kaysa sa mga forecast nila noong Mayo

​​ target



Ang pagbagal ng pagkonsumo sa bansa ay nagdudulot ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya.

Ang pagbagal ng paglago ng ating ekonomiya sa Q2 2023 ay dahil sa paghina ng ilang sektor.

Bumagal ang pagkonsumo ng mga households dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kumpara noong isang taon, humina din naman ang paggastos ng pamahalaan kumpara sa kanyang programa.

economy



Patuloy na babantayan ng BSP ang mga kaganapang maaaring makaapekto sa pagtaas ng presyo at paglago ng ekonomiya sa hinaharap.

Nananatiling handa ang BSP na tumugon kung kinakailangan para pangalagaan ang inflation target, alinsunod sa mandato nitong panatilihin ang price stability sa bansa.
​​ policy



Mananatili ang key policy interest rate sa 6.25%.


​​​​ this means
Ibig sabihin . . .
Maaaring ihinto ng mga bangko ang pagtataas ng interest rate sa kanilang mga pautang. Kasama ng iba pang aksyon ng gobyerno, ito ay makatutulong sa pagpigil ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.


Video: Media Briefing