​​Monetary Policy Report - November 2023
Report Highlights
​​




​​Sa kabuuan


​​​

​​
 target reverse repurchase rate

Nagpasiya ang BSP na panatilihin ang target reverse repurchase rate sa 6.5 percent

​​
inflation outlook

Ayon sa pinakahuling pagtataya ng BSP, ang 2023 average inflation ay maaaring umabot sa 6.0 percent. Ito ay mas mataas sa estimate na 5.6 percent na inanunsyo sa Monetary Policy Report (MPR) noong Agosto.

Inaasahan namang papasok sa 2.0-4.0 percent na target range ang average inflation sa 2024 sa pagtatayang 3.7 percent at sa 2025 sa 3.2 percent.

risks

Maaaring mas tumaas ang inflation kumpara sa forecasts para sa taong 2023 hanggang 2025 dahil sa karagdagang pagtaas ng pamasahe, singil sa kuryente, at presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado; gayundin din ang mas mataas sa inaasahang dagdag pasahod sa labas ng National Capital Region.

Samantala, ang mas mabagal na paglago ng pandaigdigang ekonomiya at ang pagpapatupad ng mga panukala kontra sa banta ng El Niño ay maaaring magdulot ng mas mababang inflation.

​​
target

Ayon sa Survey of External Forecasters ng BSP ngayong Nobyembre, inaasahang aabot ang inflation sa 6.1 percent ngayong taon. Samantala, tinataya ng mga ekonomista na aabot ang inflation sa 4.0 percent sa 2024 at 3.5 percent sa 2025.

​​
economy

Lumago ang ekonomiya nitong Q3 2023 nang 5.9 percent. Mas mataas ito sa inaasahan at nagpapakita na maaaring magpatuloy ang sigla ng ekonomiya sa mga darating na taon.

policy actions


Ang BSP ay handang umaksyon para mapababa at maibalik ang inflation sa target range.

Patuloy din na sinusuportahan ng ating Monetary Board ang mga hakbang na ipinatutupad ng gobyerno upang mabawasan ang epekto ng kakulangan sa suplay sa inflation.




Nagpasyang panatilihin ng BSP ang target reverse repurchase rate sa 6.5 percent.


Sa monetary policy meeting nitong Nobyembre, nagpasya ang Monetary Board ng BSP na panatilihin ang target reverse repurchase policy rate sa 6.5 percent.

Ang kasalukuyang monetary policy setting ay naaangkop upang makita ng BSP ang epekto ng mga naunang kalibrasyon nito habang binabantayan ang mga uusbong na banta sa inflation.
kpr


Ang inflation—o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin—ay babagal at makababalik sa 2.0-4.0 percent target range sa taong 2024 at 2025.

Tinataya ng BSP na ang average inflation ay maaaring umabot sa 6.0 percent ngayong taon. Ito ay mas mataas mula sa naunang forecast na 5.6 percent noong Agosto na isyu ng MPR.

Samantala, inaasahang babagal ang inflation patungo sa target na 2.0-4.0 percent sa taong 2024 at 2025.. Ang average inflation forecast sa 2024 ay 3.7 percent (mula sa 3.3 percent), habang sa 2025 ay 3.2 percent (mula 3.4 percent).

​​
​​ inflation outlook


​​
Gayunpaman, mayroon pa ring mga banta na maaaring magdulot ng mas mataas na inflation at magpabago sa forecasts.


Maaaring magdulot ng mas mataas na inflation kaysa sa inaasahan ang karagdagang pagtaas ng pamasahe, singil sa kuryente, pag-akyat ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado; at gayundin ang mas mataas kaysa inaasahang dagdag pasahod sa labas ng National Capital Region.

Sa kabilang banda, maaaring magdulot ng mas mababang inflation kaysa sa forecast ang mabagal na paglago ng pandaigdigang ekonomiya at gayundin ang mga hakbang ng gobyerno upang mabawasan ang posibleng epekto ng El Niño.
risks




Naniniwala ang mga ekonomista sa pribadong sektor na mananatiling mataas ang inflation sa 2023.

Ayon sa resulta ng BSP Survey on External Forecasters ngayong Agosto, inaasahan ang 6.1-percent inflation sa 2023, habang bumaba namang ang estimate para sa 2025 sa 4.0 percent mula sa 4.1 percent. Samantala, nananatili ang estimate na 3.5 percent para sa taong 2025.

Inaasahan pa din ang mataas na inflation sa buong taon ng 2023 dahil sa mga isyu sa suplay at second-round shocks.

​​ target



Inaasahang patuloy na lalago ang ekonomiya subalit ang paglago ngayong taon ay tinatayang mas mabagal kaya sa target.

Lumago ang ekonomiya sa 5.9 percent nitong Q3 2023, mas mabilis kaysa sa 4.3-percent na paglago noong nakaraang quarter, ngunit mas mababa pa din kaysa sa target ng gobyerno na 6.0-7.0 percent para sa taon.

Gayunpaman, ang naitalang mas mataas kaysa inaasahang GDP growth noong Q3 2023 ay nagpapakita na maaaring manatiling masigla ang ating ekonomiya sa susunod na dalawang taon.

economy

Patuloy na babantayan ng BSP ang mga kaganapang maaaring makaapekto sa pagtaas ng presyo at paglago ng ekonomiya sa hinaharap.

Patuloy na babantayan ng BSP ang mga kaganapang maaaring makaapekto sa inflation at paglago ng ekonomiya, habang nananatiling handa na tumugon kung kinakailangan para ibalik ang inflation sa target range, alinsunod sa mandato nitong panatilihin ang price stability sa bansa.

Ayon sa Monetary Board, mahalagang panatilihing mataas ang kasalukuyang policy interest rate upang matiyak ang patuloy na pagbagal ng inflation at inflation expectations patungo sa target.
​​ policy actions


Mananatili ang target reverse repurchase policy rate sa 6.5%.

​​​​ this means

Ibig sabihin . . .
Inaasahang mananatili ang kasalukuyang interest rate ng mga bangko sa kanilang mga pautang. Hindi masyadong gagalaw ang halaga ng pag-utang mula sa mga bangko.

Naaangkop na panatilihin ang kasalukuyang policy interest rate sa panahong ito dahil sa inaasahang mas mababa mabagal nai inflation sa mga darating na buwan. Mas mapag-aaralan din ng BSP ang epekto ng mga naunang pagtaas sa policy interest rate.